Ang metaverse ay isang teknolohiya na malayo na ang narating kung kaya naman kami dito sa GGbet.

ay nasasabik sa anumang bagay na may kinalaman dito. Maraming kumpanya ang nag-puhunan para matulungan ang mga gumagawa ng metaverse tulad ng Meta Platforms, Microsoft, at Epic Games. 

Marami rin ang kumpanyang nagku-kumpetisyon para makuha ang pagtangkilik ng mga customer sa kanilang metaverse. Dahil dito, inaasahan namin na maigting ang labanan kung sino nga ba ang mapupunta sa ibabaw ng tagumpay pagdating sa metaverse platform. 

Ngayon, alamin natin ang ilan sa mga pinakamagandang plataporma ng metaverse na maaari mo nang laruin.

1. HyperVerse

Ang Hyperverse ay isang birtwal ng mundo na pinakasikat ngayon sa lahat ng metaverse na plataporma. Ito ay koleksyon ng iba’t-ibang planeta na walang nagma-may-ari. Milyon-milyon ang mga sansinukob dito at ang bawat indibidwal na nasa Hyperverse ay tinatawag na Manlalakbay. Maaari kang makagawa o kumita ng tokens o maki-pag-usap sa ibang manlalalaro.

2. Decentraland 

Ang Decentraland ay isa sa mga naunang metaverse at sila ang nagpatunay na maaari itong gawin. Nag-umpisa sila noong 2020 at lumaki at sumikat sila ng husto. Ngayon, ang Decentraland ay isang birtwal na realidad na kung saan maaari kang gumawa ng content, makipag-usap sa ibang tao, at kumita ng pera sa pagi-invest or pagmamay-ari ng digital assets. 

3. The Sandbox 

Ang The Sandbox ay isang laro base sa tinatawag na teknolohiya ng blockchain. Dito, ang mga naglalaro ay maaaaring magbenta, bumili, o ipag-palit ang mga birtwal na lupain na kanilang pag-aari. Ito ay tanyag dahil ginagamit nila ang ETH. Ligtas at matatag itong gamitin. Ang gamit na digital currency dito ay SAND, at eto ay base sa Ethereum. Maaari mong gamitin ang SAND para mag-bayad ng gasolina sa Ethereum network.

4. Nakamoto

Ang ay isang uri ng token at metaverse na kung saan ang mga manlalaro ay maaaaring mag-may-ari ng birtwal na lupain. Maaari din silang mag-tayon ng mga gusali at gumawa ng maraming pang bagay. Ang mga imbentor sa likod ng Nakamoto ay nag-sabi kamakailan lamang na gagawa sila ng NAKAverse. 

5. Roblox

Ang Roblox ay isang larong na kung saan ang mga manlalaro ay pwedeng bumisita sa mga lugar na ginawa din ng ibang manlalaro. Ang mga taong gumawa ng lugar sa loob ng laro ay maaaring kumite ng mahgit pa sa 50 million PHP sa loob lamang ng isang taon. Ang Roblo ngayon at nagmamatyag at nag-pla-plano kung  paano gagawaing mas maganda pa ang ka nilang plataporma gamit ang “spatial voice chat.” 

6. Epic Games

Ang Epic Games ay ang kumpanyang nasa likod ng tanyag na larong Fortnite. Sila ay gumawa na ng ibang laro bukod sa battle royale. Kamakailan lamang, si Travis Scott ay nag-host ng isang birtwal na kaganapan na may musika at sayaw. Ito ay isang patunay na ang Epic Games ay handa nang sumabay sa laban ng mga metaverse na plataporma sa mundo, at marami silang makukuhang suporta. 

7. Bloktopia

Ang Bloktopia ay isa sa mga pinaka-sikat na plataporma ng metaverse na ang layunin ay magbigay ng pagpupugay sa Bitcoin na kung saan ang limitasyon ay 21 million na piraso lamang. Sa Bloktopia, ang mga manlalaro ay maaaring gumawa ng avatar, makihalubilo sa ibang manlalaro, matuto ng mga bagay ukol sa cryptocurrency, at bumili ng birtwal na lupain. Maaari ding gumawa ang mga manlalaro ng sining, laro, at mga nakakatuwang hamon at balakid.

8. Cryptovoxels

Ang Cryptovoxels ay isang plataporma na ginawa rin sa ibabaw ng Etherum network or blockchain protocol. Ito ay isang birtwal na lugar kung saan pwedeng maglaro gaming ang PC or isang VR device.

Ang komunidad ng Cryptovoxels ay madalas mayroong kaganapan. Karagdagan pa diyan, maaari kang bumili ng birtwal na lupain, mga bagay na maaaring isuot ng iyong karakter sa laro, o tinatawag na wearables. Mayroon ding lugar dito na kung saan maaari kang bumili ng mga bagay na kakaunti supply. Ang tawag dito ay collectibles. Mayroon ding NFT at sining at mga damit para sa iyong karakter.

9. Metahero 

Ang Metahero ay isang proyekto na ang layunin ay pag-samahin ang pisikal na bagay sa digital na bagay. Hind pa man ganoon kasikat ang Metahero katuland ng Decentraland, sila ay mayroong teknolohiya ng 3D scanning na maaring gawing digital ang mga tunay at pisikal na bagay sa mundo. Dahil diyan, maaari itong gamitin sa pag-sasanay ng mga tao, sa pagtuturo, at para sa mga bagay na kaaaliwan ng mga tao.

10. Star Atlas

Ang pang-huli ay ang Star Atlas na siyang tinaguriang next-generation sa mundo ng metaverse. Kagaya ng ibang plataporma, gamit nito ang blockchain technology. Mayroong itong mga elemento na makikita ng real-time. Mayroon ding video games at teknolohiya para sa pinansyal na transaksyon na hindi sentrilisado. 

Ang gamit ng Star Atlas ay ang Solana blockchain. Sa loob ng laro, ang mga taong gustong mamuhunan ay makakabili ng digital na asset tulad ng barko, mga tauhan, at mga kagamitan. Ang gamit na pera sa loob ng larong ito ay tinatawag na Polana. 

Kapag lumaki na ang halaga ng mga biniling pag-aaari, maaari mo nang ibenta ang mga ito sa mataas na halaga. Dahil diyan, kikita ka ng tubo.